Sunday, July 4, 2010

Isang Lingon sa Aking Kamusmusan


Isang Lingon sa Aking Kamusmusan

nakakatuwang pakinggan sa tuwing maririnig ko ang halakhak mula sa tinig ng aking anak
nagagalak ako sa tuwing makikita anag kanilang paglalarona animoy wala ng katapusan
ang araw sa patuloy nilang pagsasaya sa walang kapaguran nilang pagpapalit - palit ng larong kanilang ginagawa sa buong maghapong nagdaan

sa kabila ng pagkakataon ang anila'y "advance technology" sa pagsulputan ng iba't ibang "gadgets" tulad ng gameboy, PSP, DS na lahat na yata ng bata ay mayroong nanatiling nakakapagpataba ng puso
kapag nakikita kong naglalaro sila ng mga larong minsan ay "inenjoy" ko ring laruin sa aking paglingon sa aking kamusmusan

"patintero", "tumbang preso", taguan at marami pang iba na kung minsan sinsalihan ko pa
"Barbie, "Brats" mga manikang pilit kinukolekta, bagama't may kamahalan, ayos lang lalo pa't ito ang nakakapagpasaya sa kanila
isang lingon lang kita ko na "isang manikang matigas, pumipikit dumidilat ang mga mata - ang tagal kong kasama"

malayo man ang agwat ng pagkakaiba pero isa lang ang alam ko, pareho lang ang naging resulta, "dito kapwa tayo'y naging masaya"
natatandaan ko rin "tau - tauhang maliliit na gawa sa plastik' masaya na bunso kong kapatid , kung ihahambing mo sa ngayon
RC cars at kung ano - ano pang "battery operated cars" na ayaw naming laruin dahilang sa kamahalan at sa takot na ito'y masira, nandun at "nakadisplay" tinatanaw nalang "ok, ok na"

sarap lumingon sa aking kamusmusan lalo pa't nakikita ko, ang patuloy na pagbabago bagama't marami na ang nagdaan, lumipas na ang karamihan
AKIN PARING BABALIKAN
NAGDAAN KONG KAMUSMUSAN

No comments:

Post a Comment